Nasaan ka na?
original composition: kikaydhez
Nakaupo sa sulok
tinatanaw ang langit
iniisip kung kelan
kelan ka darating
Naiinip sa iyong pagdating
Nais na kita makilala
At makasama sa habangbuhay
At maipagmalaki sa buong mundo
***
Nasaan ka na?
Matatawag ba kitang
Forever? o magiging
bitter na lang muli
Madami akong pangarap
na dapat kasama ka
Bubuo pa tayo ng pamilya
Ikaw at ako Forever
Nais kong makasama ka
Sa pagtanda natin
Para ang theme song
Grow old with you
Ang sarap lang isipin
At pangarapin
Na makasama mo ang
taong mahal na mahal mo
Subalit, Nakakapagod din pala
Maghintay ng maghintay
Di ko alam kung darating talaga
Nasaan ka na?
Tagal kong nag-aantay
kelan ka darating?
Nasaan ka na?
+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
"Habang nakaupo ako dito bigla ko na lang naisip yan, ang dami kasing tumatakbo sa isip ko nakakapagod mag-isip, kaya yung time na nasa isip ko ang mga linyang iyan ay isinulat ko na. Tula sana pero naisip kong gawan din siya ng tono. Siguro nagtataka ka kung bakit ang title "Nasaan ka na?" hinahanap kasi niya ang "forever niya na matagal na niyang hinihintay for past 7 years.
+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++