Arcas Yard CafeAtok Benguet. KikayEscapadeBenguetBlogger TravelBurnham ParkDiplomatIL-Lengan CafeMines ViewNight MarketTravel VloggerVloggerYOLO
VLOG 017 - TRAVEL TO BAGUIO with PUGO Friends
VLOG 017 - Travel to Baguio with PUGO Friends 2018
PLEASE SUBSCRIBE!
YOLO is real! December 27 - 29, 2018
Umpisahan ko nang maging malaya, Umpisahan ko na maging masaya, uumpisahan ko na gawin kong ano ang gusto ko. Uumpisahan ko na libutin ang mundo. Sabi nga nila "You only live once".
Nais kong ibahagi ang masasayang araw at lugar na aming napuntahan.
Una, nagkita-kita kami sa may Megamall upang sabay-sabay na magpunta sa Cubao. At doon kami kumain ng dinner sa may kainan na malapit sa Victory Liner. Ang aming oras ng pag-alis ay alas otso ng gabi, Matapos ang ilang oras at mahabang byahe nakarating din kami sa aming pupuntahan ng safe. Dahil sa maaga pa tumambay pa muna kami sa Jollibee na mismong katabi lang ng Victory Liner sa Baguio. Naghintay din kami ng mga dalawang oras at kalahati sapagkat delikado din kung naglakad kami ng madilim-dilim pa. Nakakatakot din noh. Kwentuhan lang muna sa Jollibee habang ang ibang nagpupunta dun ay natutulog lang. Nang oras na aming pag-alis sobrang lamig pa din sa labas. Madilim pa, pero sakto nalang para maglakad. Hindi ka din pagpapawisan dahil sa lamig.
Una naming pinuntahan ang Burnham Park. Una kong napuntahan ang Baguio noong College ako ngunit sa katagalan na nakalimutan ko na ang itsura nito. (haha) Nakakita kami ng Bike na kakaiba sa paningin ko.
Akala ko nung una hindi ko mapapatakbo. (haha weird ko lang) Pero ayos at apat ang gulong dahil hindi ka madidisgrasya dito. Bagkus nakakatuwang sakyan. Dapat kalahating oras lamang ngunit parang ilang oras ung nagawa namin. Kami nalang yung nagsawa.
Details of Price - Makikita lamang sa taas :)
INSTAGRAM | TWITTER | LOOKBOOK | CHICTOPIA | BLOGLOVIN | PINTEREST | FACEBOOK | OFFICIAL PAGE | YOUTUBE
0 comments