Chatty Snappy

20:07:00

by: kikaydhez




Naaalala mo pa ba?
Noong una tayong nagkakilala?
Una mo akong minessage sa messenger at sinabing "Hey!"
Nagulat ako ng makita kong lumabas sa screen ng phone ko ang pangalan mo.
Naririnig ko na ang pangalan mo tuwing magkausap ang nanay ko at ng nanay mo.
Sabi ng isip ko "Ah ikaw pala" Pero di ko naisipan na replyan ka
Dahil hindi ko alam paano sisimulang magreply
Hindi naman sa natakot bagkus nahihiya akong makipag-usap sayo.
Alam ko kasing magkakaroon ako ng internal hemmorage ang ilong ko sayo
Noong sinabi ni nanay ko kung ikaw ay nagmessage sa akin
Yun lang yung time ng aking pagrereply sa'yo.
Sinabihan mo pa akong my english is good na para bang na-amaze ka pa.
Pero hindi ka makapagsalita ng Tagalog pero nakakaintindi ka naman
Simula ng magkachat tayo, nag-iba ang feelings ko.
Noong una kasi ayaw ko sa'yo, na baka pinipilit lang nga mga magulang natin na tayo'y magkasundo
Pero habang tumatagal, Di ko maintindihan pero feelings ko, masaya na ewan
Yung tipong parang gusto kitang kausap palagi
Simula ng pag-aadd mo din sa akin sa snapchat
Inumpisahan ko ng isstalk ka ng hindi mo nalalaman.
Dahil sa tuwing nagpopost ka
Iniscreen shot ko ang lahat, nakakainis lang kasi ung video mo di ko madownload
Dahil sa totoo lang gusto kong magcompile ng mga pictures at videos mo
Dahil balak kong gawan ng album at pag nagkita tayo ibibigay ko sa'yo iyon
Nalaman ko din na paborito mo ang mga pagkain.
Nakakatuwa kang tignan
At simula din ng narinig ko ang boses mo.
Gusto kong paulit-ulit na pakinggan yun.
Alam mo ba yun? Di ba nasabi ko din na ang ganda ng boses mo?
Na tila ba nagtratrabaho ka bilang isang DJ?
Sa sobrang ganda ng boses mo, gusto kong irecord kaso ang hirap gawin sa snapchat
Di ko nga alam kong nasisiyahan ka pang kausap ako sa chat
Di ko alam kong gusto mo pa akong kaibigan
Di kasi ako yung taong, ako ang mauunang magchat para mangumusta
Syempre gusto ko ikaw ang manguna dun. Pero tila mas gusto mo
pang babae ang nauuna. Di pa nga kita siguro kilala
Dahil di ka naman palakwento sa akin.
Nahihiya naman akong masyadong magkwento sayo.
Baka kasi sabihin mong feeling close agad.
Gusto ko pa kasing makilala ka pang maigi
Pero tila di gusto ng tadhana.
Simula ng iblock mo ako sa snapchat sa di ko alam ang dahilan mo.
Simula noon di ko na muli nakita ang iyong mga post
Hindi na kita ulit masusubaybayan.
Hindi na kita ulit makakausap tuwing madaling araw.
Wala na pala akong hihintayin sa gabi.
Wala na akong sasabihang "Good Morning"
Para akong nabroken hearted simula ng ginawa mo yun.
May nasabi ba akong hindi mo nagustuhan?
Bakit hindi mo agad sinabi sa akin?
Antagal kong inisip, pero isa lang ang pumapasok sa isipan ko ang dahilan
Simula noong nagkwento ako sa kasamahan ko sa trabaho at nasabi ko ang word na "Narrow Brain"
Pero sa totoo lang nagkukwento ako sa'yo noon at hindi ikaw ang sinasabihan ko
Dahil kailan man hindi ko sasabihin sa'yo ang mga bagay na yun, dahil wala akong karapatan na sabihin yun
Nais ko kasing malaman ang dahilan mo, pero kung yun ang dahilan mo
Patawad, patawad kasi di ko naman sinasadya
Patawad kasi hindi ko nilinaw.
Patawad kasi masyado akong nag-assume na maiintindihan mo ako.
Patawad kasi akala ko gusto mo din ako.
Gumawa ako ng simpleng card para sa iyo
Ngunit wala akong natanggap na sagot mula sa iyo.
Nag-assume na naman akong babatiin mo din ako sa birthday ko.
Pero hindi, hindi naman nangyari yung mga iniisip ko
Ibig sabihin lang na wala kang pakialam sa akin kasi hindi na tayo magkaibigan
Ni hindi ko man nalaman ang totoong dahilan kung bakit mo ako binlock
Ang sakit lang kasi akala mo okay kayo kung magsimulang magkaibigan kayo
Siguro nabobore ka na sa akin na kausap ako
Ang daming tumatakbo sa isipan ko
Na hindi ko malaman na dahilan
Pero ngayon nagdesisyon akong gumawa ng ibang account
Para lang mastalk kang muli, oo sa ibang pangalan at katauhan
Namimiss kasi kita di ko din alam anong dahilan
Kung alam mo lang ang nararamdaman ko ngayon
Bumilis muli ang tibok ng puso ko ng makita ko ang pangalan mo muli
At makita ang post mo at ngayon sinisimulan ko muling magstalk sayo
Patawad sa pagiging stalker mo
Gusto ko kasing malaman kung okay ka, masaya na ako doon
kahit hindi mo na ako kausapin
Hindi na ako mageexpect pa ng malaki baka kasi masaktan ako muli
Nasasaktan ako kahit hindi tayo.
Kung alam mo lang na nahihirapan akong iexpress ang sarili ko sayo
Dahil na nonose bleed ako sa tuwing kausap ka
kailangan ko pang humingi ng tulong kay google
Alam mo bang namimiss na kitang kausap?
Alam mo bang namimiss ko na ang mala-DJ mong boses?
Alam mo bang feeling ko nahuhulog na loob ko sayo?
Kahit na hindi pa tayo nagkikita ng personal?
Pero okay lang kahit na feeling ko ayaw mo talaga sa akin
Nais ko lang malaman mo na sa konting oras na ating pinasamahan
kahit sa chat lang iyon nagsimula
Masaya ako dahil nakilala kita,
Masaya ako dahil minsan mo din ako napatawa
Sana naramdaman mo din ako kahit minsan na dumaan sa buhay mo
Pero kung magtagpo man ang ating mga landas
Masasabi kong tadhana na ang may gusto
Salamat my buddy snappy!


You Might Also Like

0 comments

Popular Posts

Like us on Facebook

Instagram

"Beautiful things happen When you distance yourself From negativity."

A post shared by Dhez Decena Eugenio 🌼 (@kikaydhez) on