VLOG 13
Hello Kikaysters,
Sisimplehan lang natin, nag-imbento ako ng ibang klaseng Pesto ang Ham & Mushroom Pesto Ala Kikay. Puro kasi tuna, tuyo, yung nakikita kong version kaya gumawa din ako ng kakaiba.
Heto ang mga ingridients:
- Pasta ( Kahit anong pasta naman kahit hindi organic pasta yan)
- Mushroom (kahit anong mushroom din, ginamit ko kasi organic din haha)
- Ham
- Pesto
- Onion
- Garlic
- Salt
- Olive Oil ( kahit anong cooking oil din)
Syempre una magpakulo ng tubig, lagyan ng mantika at asin saka ihulog ang pasta sa kumukulong tubig. Kapag naluto na ang pasta hanguin at i-drain ang tubig.
Maglagay ng olive oil (any cooking oil), kapag mainit init na ilagay ang bawang, sibuyas kapag medyo brown na sila idagdag ang ham at mushroom at kapag luto na ang ham & mushroom ilagay na ang pesto at magdagdag ng konting asin pampalasa.
Kapag luto na ang ang sauce pwede mo na siya paghaluin ang pasta at ang sauce na ginawa natin. At ready to serve na!
Happy Eating Kikaysters!
xoxo,