Gusto kong ibahagi sa inyo ang mga nangyari sa kauna-unahan kong paglalakbay dito sa Pilipinas, ang Ilocos Norte at Ilocos Sur. Uunahin ko munang i-review ang Travel Deals PH. Una kahit medyo late na dumating si Kuya ay mabilis pa din naming nakarating sa Vigan. Around 9pm Thursday na kami nakaalis ng Manila then nakarating kami ng 4am na ng Friday. Ang hotel na aming pinagstayan sa Hidden Garden Hotel. Nasa isang liblib na lugar pero ang bilis ng internet, bibigyan ko ng 5 stars dahil sa internet haha. Ang bilis talaga promise at secured ka kasi sa bawat paligid niya may cctv. Okay naman ang place may pool na hanggang 10pm pwede ka maligo. Ang breakfast sakto lang sa mga hindi matatakaw scrambled egg, hotdog and 1 cup of rice. Pwede naman mag-extra rice babayad ka nga lang. Kung sanay kang magkape at magmilo hindi included maharlika nga lang P15. Ang lunch and dinner hindi din kasama sa package kaya kung gutumin ka madiskarte ka dapat. Malakas naman ang tubig sa rest room, yun nga lang sa maliit na tulad ko di advisable ung sabitan sa likod ng pinto haha ang taas besshh pang 6 footer. Yun lang naman comment ko sa rest room medyo babaan niyo naman dehado kaming 5' lang. haha Ayos lang din ang room lima kami sa isang room 2twin bed, 1 single bed, at 2twin bed sa baba. Matutulog ka lang naman eh choosy pa ba? At sa sasakyan naman ang luwag hindi kayo siksikan.
First time ko sa ganitong adventures. Gusto ko tuloy maulit sya, pero sa iba't-ibang lugar na. Ang saya at exciting na may halong kaba dahil sa ginawa namin nag-4x4 sa Paoay Onse Reef. Ayaw ko ngang sumakay sa roller coaster dahil takot ako sa heights pero sinubukan ko to' masaya kahit puro pasa pagkatapos.
Yung ganda ng pilipinas na hindi mo aakalain, kung pinapanatilihin lang natin na malinis, maayos ang kapaligiran. Magagawa at magagawa nating ireserved kung ano meron tayong yaman ngayon. Ang yamang hindi nabibili nino man, ang yamang bigay din ng may poong may kapal. Naniniwala ako na saan man panig ng Pilipinas ay may mga lugar na ating maipagmamalaki. It's more fun in the Philippines.
ILOCOS TOUR (3DAYS 2NIGHTS) - Php 2,488 (4pax Above)
Package Inclusions:
- Van transfer (Manial-Ilocos-Manila)
- 3 Days and 2 Nights Accomodation
- Driver/Tour Coordinator
- 3 Days Ilocos Tour (Vigan-Laoag-Pagudpud)
- Sidetrip to La Union Grapesfarm
- Entrances and Evironment fees
- Daily Breakfast (Selected Hotel Only)
- Driver's Meal and Accomodation
- Toll and Fuel expense
- Govt Taxes and Surcharges
- Travel Insurance
Exclusion:
Meals (Please budget 100-200 per meal)
Activities (Zipline, 4x4 ride etc)
Others not stated are on pax account
ITINERARY:
DAY 01 (FRIDAY) Arrival (Vigan)
ETA VIGAN (Light Viewing 5:30am)
START of Tour:
Hidden Garden (Breakfast)
Baluarte Safarri Gallery
Bantay Bell Tower
Paoay Church
Paoay Sand Dunes (4x4 Ride - Own pax account)
Lunch at Laoag
Malacanang of the North
Santa Monica Church
DAY 02 (SATURDAY)
Swimming, Trekking and other water activities
Cape Bojeador Lighthouse
Kapurpurawan White Rock Formation
Bangui Windmill
Kabigan Falls
Patapat Viaduct
Lunch at Pagudpud
Bantay Abot Cave
Blue Lagoon, Hannah's beach Resort - (no videos or pictures hindi kasi kami naligo)
Dinner
Return to Hotel
DAY 03 (SUNDAY)
Laoag City Hall
Laoag Norte Capitol
Calle CrisologoLunch at Vigan
Banaoang Bridge
Sidetrip to Grapesfarm La Union
Ito ay base lamang sa mga napuntahan namin. Hindi ito ang actual Itinerary. Madami pa yan hindi lang namin pinagtuunan ng pansin yung ibang place. Nadaanan namin pero hindi na kami bumaba para magpapicture pa.