VAN

01:11:00

-VAN-
Author by kikaydhez


Nagsimula sa Happn na app
Magkaparehas tayong nagkagustuhan
Sa picture mo pa lang
Na catch mo na ako

Sa mala-abs mong katawan
Sa tangkad mong six footer
Sa malalim mong dimple
Sa kisig ng pangangatawan

Masasabi kong tunay ka ngang lalaki
Di ka man maputi
Panay kantyaw man ng barkada mo
Na hawig mo ang mga bato sa isang isla

Minsang nagkataon nakita kita
Sa pampublikong sasakyan
Na tinatawag na Van
Parehas ang ating destinasyon

Mauuna ka lang sa akin na bumaba
Nais kong masilayan ang iyong
Masungit na mukha
Sa tuwing bababa ka

Simpleng lingon lang ang katapat
Di ko alam kilala mo ba ako?
Kahit sabihin mong kalabitin lang kita
pero hindi ko yun ginawa

Nahihiya ako na baka mareject lang ako
Kaya hinayaan ko na lang
Na hindi ka pansinin
O kausapin man lang

Nais ko lang malaman mo
Pinipilit kong gumising ng maaga
At masigla akong bumabangon
para lang maabutan ka

Sa tuwing nakikita kita
Tumitigil ang pintig ng puso ko
Nagkakaroon ng kiliti sa tummy ko
Para akong maiihi ng makatabi kita

Ngayon lang ako ulit nakaramdam ng ganito
Sa tinagal-tagal ng panahon
Pero sa isang iglap
Hindi din pala magtatagal

Simula nung nalaman kong
Kayo na pala ulit
Parang mapupunit mga mata ko
Sasabog ang dibdib ko

Di ko maintindihan
Nararamdaman ko
Wala akong karapatan
Pero selos na selos ako

Nais kong wakasan na
Ang kahibangang ito
Wala na ang inspirasyon ko
Makaka-move-on din ako

Salamat pa din
sa sandaling kilig
Salamat sa panandaling
Saya at sigla

Van, ang nagdudugtong sa atin
Nawa'y hindi na kita
O makasabay pa
Iiwasan na kita

Upang tuluyang mawala
ka na sa puso ko
Para hindi na lumalim pa
Ang nararamdaman ko

Hanggang dito na lang
Sa huli nating pagkikita
Sa huli nating pagkakasabay
At sa huli nating pagtatabi.


-VAN-




You Might Also Like

0 comments

Like us on Facebook

Instagram

"Beautiful things happen When you distance yourself From negativity."

A post shared by Dhez Decena Eugenio 🌼 (@kikaydhez) on