-
Fixing a broken heart – akda ni: Dhez Eugenio
• Ikaw ba yung taong ilang beses na nasaktan dahil sa pag-ibig
na yan.
• Ikaw ba yung taong kahit anong gawin mo di ka niya
kayang mahalin.
• Ikaw ba yung taong minahal ka pero hindi mo masuklian
ang pag-mamahal na binibigay niya sa’yo.
• Ikaw ba yung taong napikot lang
• Ikaw ba yung taong ginamit/nagpagamit
• Ikaw
ba yung taong pinakasalan dahil lang sa fix marriage/napilitan dahil buntis
kana
• Ikaw
ba yung taong nabuntisan at di pinanagutan ng siraulong tatay ng dinadala mo
• Ikaw
ba yung taong hate na hate mo siya dahil sobrang hambog niya.
• Ikaw
ba yung taong deadma lang.
• Ikaw
ba yung taong seenzoned
• Ikaw
ba yung taong na friendzoned
• Ikaw
ba yung taong selfish
• Ikaw ba yung taong mahilig mangolekta lang ng gf/bf
• Ikaw
yung mahilig magpaasa
• Ikaw
ba yung magaling mambola
• Ikaw ba yung mahilig mang-iwan
At
kung isa ka sa mga ito let’s fix your broken heart.
1. Una
paano ka ba makakamove-on?
-
Gawin
mong simple lang ang buhay mo, huwag ka maging bitter. Huwag kang gagaya sa
akin haha nagging bitter ayun antagal bago makamove-on. Ayan natutunan ko,
dahil habang tumatagal ang pagiging bitter mo mas lalo mo pinapahirapan ang
sarili mo, mas lalo mo siyang namimiss, yung dating routine niyong dalawa kung
dati palagi ka niya tinetext kinukumusta, tinatawagan tapos sa isang iglap
nawala lang ang lahat dahil sa iba na niya ito nagagawa. Let it go.
-
Huwag maging spy/stalker. Kung friend mo siya sa fb,Instagram
at twitter tapos palagi mong binibisita ang timeline niya naku kuya ate
masasaktan ka lang. Bakit? Kasi makikita mong masaya na siya sa piling ng iba.
Oh sinong talo ikaw di ba? (Huwag ka ulit gagaya sa akin na sa bawat bukas ko
ng social apps ayun panay naman ang pagbisita ko sa off limits na yan. Sinabi
ko na nga na off-limits pero di nakinig sa utak sa puso pa din siya nakinig.)
-
Maging busy sa mga bagay-bagay. Magkaroon ka ng paglilibang sa sarili
hindi yung sa kanya lang nakatuon gagawin mo lang miserable ang buhay mo. Ano
yun dahil sa iniwan ka, dahil sa hindi ka na mahal, dahil sa sumama sa iba eh
hindi ka na kakain? Iiyak ka lang ng iiyak? Magmumukmok ka lang sa sulok?
Kukunin moa ng blade tapos maglalaslas ka na? Hello? Hindi lang siya ang
babae/lalake sa mukha uyy!!! Madami diyan Yun nga lang yung ibang lalake ang
hanap kapwa lalake, kung babae naman kapwa babae.
-
Maging active ang social life. Kung dati di ka masyado sumasama sa
mga friends mo dahil nga ang palagi mong kasama ay ang bf mo na ngayon ay EX mo
na. Mas maganda ang madaming friends malay mo makilala mo na siya. Pero ingat
ka lang kasi ngayon ginagamit ang mga social apps para mambiktima. Andiyan ang
budol-budol, rapist, kaya ingat po tayo.
2. Paano
ba makakahanap ng forever?
-
Wala
ngang forever. Huwag ka maniniwala sa forever ang lahat ay may katapusan, kung
ang buhay nga ng tao ay may hangganan eh. (In my own opinion lang po ito, kaya
wag ka mambabash kasi may sari-sarili tayong pananaw.) Hindi naman ako bitter.
Nakamove-on na ako noh! Hindi ko pa lang nahahanap si forever kaya sinasabi
kong walang forever. Ang ALDUB kasi yun ang tunay na forever meant to be pa nga
eh. Well ganyan talaga ang buhay. Kaya dapat di tayo maging sad. In God’s will
ibibigay naman niya yung taong para sa iyo. God has a purpose in our life especially
when it comes to love. Sa ngayon hanggang wala pa si forever mo si Lord na muna
ang unahin mo. At mahahanap moa ng forever mo sa tamang panahon.
3. Paano
mo ba maiiwasan na masaktan?
-
Hindi po natin maiiwasan na masaktan. Kung masaktan man
tayo muli at kahit ilan beses pa tayong masaktan kailangan natin magpakatatag.
Dahil sa tuwing nagpapakatatag tayo lumalaban di sumusuko napapatunayan na
natin na kaya natin lampasan ang lahat ng pagsubok.
4.
Paano ka
pa ba magtitiwala sa taong sinira ang tiwala mo sa kanya?
-
Ang hirap nga naman kasi magtiwala muli. Pero kung mahal
mo ang isang taong tanggap mo ang pagkakamali niya. (Actually sarili kong tanong yan
nahirapan din akong sagutin haha)
5. Ano
ang mas maganda na style na panliligaw yung old or yung new generation?
-
Old style pa din. Kasi mas kilig yun di ba? Pupunta sa bahay niyo, may harana,
may permission sa magulang ng babae legal kayo. Unlike sa chat,text mo lang
nakilala tapos doon ka lang niligawan, may kilig factor din kaso di mo lang
alam kung totoo sinasabi niya sa iyo. Di moa lam may asawa nap ala siya. Di
ikaw pa nagging kabit. (Parang ALDUB lang hahaha hindi naman halatang maka-aldub
noh? Oppsss…. No offense wala ako ibig sabihin. Bashers go away.)
6. Paano
maaayos ang pusong wasak?
-
Ang
hirap naman ng tanong mo yung sarili ko ngang puso naghihilom pa rin eh. Kahit
na 3 years na ang nakalipas. OO 3 years tagal noh? Ang hirap kasi
ayusin kung ung laman ng puso mo siya lang talaga nag-iisa. Ang hirap nun. Yung
tipong sa kanya lang umiikot mundo mo tapos siya din pala wawasak sa mundong
iyon. Siguro maaayos naman matagal nga lang at kung may darating na mas better
pa sa EX mo. Na magpapheal sa sugat mo. Edi WOW yun!
7. Sa
fix marriage agree ka ba?
-
Hindi.
Kasi hindi mo naman tunay na mahal yung taong papakasalan mo eh. Di moa lam ang
tungkol sa kanya. Hindi moa lam ang tunay na ugali niya. Pinakasalan ka lang
dahil sa family business ek-ek ng pamilya niyo tulad nalang sa mga nababasa ko
sa wattpad puro ganun ang story fix marriage ang involve. O kaya kailangan kasi
para magkagreen card ka tulad nalang nila Leah at Clark. Pero simula nga nung
nakakabasa na ako sa wattpad sa napanood ko sa OTWOL parang may advantage din
pala. Lalo na kung si Clack mismo ang makikilala mo at mapapakasalan mo. Oo
sagrado nga ang kasal para sa dalawang taong nagmamahalan. Pero maaari ding
maging tunay na pag-ibig ang lahat kapag tunay na nagmamahal na kayo. Ang sweet
kaya ng ganun. Ang sarap ilagay sa scrapbook with pictures kung saan kayo
nagsimulang nagkakilala, nagkita, first date, etc. Yun din ang gusto ko kasing
gawin. Scrapbook ng story namin.
Di
ba pwedeng mahal mo at mahal ka rin niya para masaya ang buhay. ~ sa Tamang
Panahon.
May
iba ka pa bang katanungan? Maaari mo nang icomment sa ibaba. Salamat.
No BASHERS! NO NEGATIVE COMMENT!